Advertisers

Advertisers

13 menor gamit sa online sex shows nasagip; 5 timbog

0 251

Advertisers

TIMBOG ang limang indibidwal na sangkot sa child pornography at sexual trafficking sa operasyon ng mga pulis sa Surigao del Sur.
Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, na-rescue sa operasyon ang 13 menor-de-edad at 2 indibidwal na biktima ng exploitation at trafficking.
Ayon kay Gamboa, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Australian Federal Police hinggil sa nasabing iligal na aktibidad kaya agad nagkasa ng entrapment operation ang agents mula sa Women and Children Protection Center, at Anti-Cybercrime Group; Caraga Region Police, kasama ang Department of Social Welfare and Development at Regional Inter-Agency Council Against Traffickng (RIACAT) nuong Huwebes, August 20, laban sa mga suspek sa dalawang lokasyon sa Bislig City, Surigao del Sur na siyang ginagamit bilang online sex shows kungsaan mga bata ang ginagamit, na tinatangkilik ng mga mga banyagang audience na may kapalit na bayad.
Sinabi ni Gamboa na sapat ang ebidensiya na nakuha ng PNP na magdidiin sa mga suspek sa kasong child exploitation and trafficking.
Kabilang ang mga magulang ng mga biktimang bata sa naaresto ng mga otoridad.
Kasong paglabag sa RA 9208, RA 9775 in relation to RA 10175 at RA 7610; at paglabag sa RA 10364, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012, ang kahaharapin ng mga suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office ng Bislig City ang mga biktimang menor-de-edad. Habang nakakulong sa Bislilg Municipal Police Station ang mga suspek. (Gaynor Bonilla/Mark Obleada)