Advertisers
SA panahon ngayon ng pandemic ek…nauso ang Q&Q as in Quarantine ek na Bawal Lumabas (SEY MO KIM CHIU?…Bawal beso beso…Bawal shake hands…Bawal tabi-tabi na dapat may social distancing lalo na sa mga public place, markets, groceries, resto, atbp.
Tipong nagkaroon tuloy ng show ang TV5 titled Bawal na Game Show na isang comic relief that we need now, as it pokes lighthearted fun at our current situation na kasalanan lahat ni Veerus aka Covid19.
Hosted by talented and well-loved comedians Wally Bayola and Paolo Ballesteros, the game show revolves around making sure that the contestants do as they’re told. Wally and Paolo—as twins Bebe Ghorl and Barby Ghorl, respectively—will present challenges to the contestants called Pasaways na siyang magku-kumpetensiya sa isa’t isa but they will also distract and goad the players to break the rules.
Sa Zoom mediacon ay nasabi nina Wally at Paolo na may mga ahas din na kasali sa mga challenges na ipagagawa sa mga contestant.
Gusto sanang itanong ni yours truly kung BAWAL BANG MANG-AHAS NG DYOWA NG MAY DYOWA? Pero dapat pala bago mag-umpisa ang mediacon ay ipapaalam muna sa MediaXhange PR staff kung ang invited showbiz writers ay gustong magtanong or may itatanong sa mga host ng nasabing TV show pero late na nang malaman ni yours truly ang ganu’ng rule so…yun na!
Bawal na Game Show airs 7:30 PM on Tuesdays and Thursdays, and 7:00 PM on Saturdays only on TV5!
So shall we say…move over Kim Chiu’s Bawal Lumabas song and enter Wally Bayola at Paolo Ballesteros in Bawal Na Game Show in Kapatid Network? Boom, ganernnn!
***
NAGULAT ang mga katabi ni Pokwang na sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola nang bigla na lang nag-crylulu as if crying in the chapel ang komedyana sa mediacon ng bagong game show ng TV5, ang ‘Fill in The Bank.’
Hindi kasi naiwasan ni Pokwang na maalala ang pag-suspend ng kanyang kontrata sa ABS-CBN nang tuluyang naisara ang Channel 2 ilang buwan na ang nakararaan.
Siya raw kasi ang pinaka-unang artista sa ABS-CBN na sinabihang wala na siyang kontrata na naging dahilan upang maging maagap siya at nakapaghanap agad ng ibang trabaho.
“Dahil maaga po nila ako sinabihan, maaga po akong nakapag-decide, nakapag-isip para po sa pamilya ko.
“Kasi hindi po ako pwedeng huminto. Hindi po ako pwedeng ngumanga. Marami pong umaasa sa akin.”
“Sa isang banda, hindi ko po dapat ikatampo ‘yun…
“At least, maaga akong nasabihan, maaga ko pong naihanda ‘yung sarili ko, maaga ko pong naisalba ‘yung pamilya ko,” lumuluha na niyang kuwento.
As of the moment ay may dalawang bagong programang iprinodyus ang Cignal Entertainment at Archangel Media Media, Inc. para sa TV 5 na host si Pokwang.
Si Pokie ay host ng game show na ‘Fill in the Bank’ kasama si Jose Manalo at isa rin siya sa mga host ng talk show na ‘Chika Besh’ kasama sina Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde.
Ang ‘Fill in the Bank’ ay napapanood tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, 7:30PM at ang ‘Chika Besh’ naman ay tuwing alas-diyes ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.
Dahil sa mga blessings na natatanggap ni Pokwang sa gitna ng pandemya ay walang tigil siyang nagpasalamat sa mga taong nagtitiwala sa kanya.
“Thank you po talaga sa APT and Archangel production na nagbukas ng pintuan nila. Buti na lang at may sumalo agad sa akin. God is good all the time,” sey pa ni Pokwang!
Yun na. (Mercy Lejarde)