Advertisers

Advertisers

P1.8-M gastos ng PCOO sa pagkain silip ng COA

0 262

Advertisers

TAHASAN kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang paggastos ng Presidential Communications Operations Office’s (PCOO) ng P1.8 million sa pagkain tuwing mayroon silang mga meetings.

Batay sa annual audit report ng COA sa PCOO, walang karampatang dokumento na makakapagsabi na sa official meetings ginastos ng PCOO ang P1.8 million sa kanilang pondo.

Iginiit ng COA na paglabag ito sa Presidential Declaration 1445 at COA Circular No. 2012-001.



Nakasaad sa Section 4.6 ng PD NO. 1445 na dapat suportado ng “complete documentation” ang mga claims sa government funds, habang sinasabi naman ng COA Circular No. 2012-001 na lahat ng disbursements ay dapat may kalakip na mga dokumento para mapatunayan ang validity ng mga ito.

Ayon sa COA, bukod sa Official Receipts at Sales Invoices, dapat nagsumite ang PCOO ng Notice of the meeting, Agenda, Minutes of meeting, Attendance Sheet, at photos, video coverage.

Inirekomenda ng COA na obligahin ng PCOO ang mga opisyal at accountant na magsumite ng sapat na dokumento para sa P1.8 million expenses upang sa gayon ay hindi ito ma-disallowed sa audit.