Advertisers

Advertisers

Laban ni Mark Striegl at Timur Vailev sa UFC naudlot

0 238

Advertisers

NAUDLOT ang pinakaaabangang paglaban sa UFC ng Filipino-American Mixed Martial Arts fighter Mark Striegl matapos na tanggalin siya sa listahan ng undercard sa UFC Apex Facility sa Las Vegas, Nevada.

Nakatakda sanang makaharap nito si Timur Vailev ng Russia.

Hindi naman naglabas ng pahayag ang UFC kung ano ang dahilan ng pagtanggal kay Striegl ilang araw bago ang nakatakdang laban.



Dahil dito ay papalitan na lamang siya ni Trevin Jones.

Mayroong record ang 32-anyos na si Striegl na 18 panalo at dalawang talo na siyang nagwagi ng gold medal sa 74 kg. combat sambo sa 30th Southeast Asian Games noong nakaraang taon.

Magugunitang noong Agosto 13 ay pumirma si Striegl sa UFC.