Advertisers

Advertisers

Kim nagluluksa sa pagkamatay ng kaibigan

0 240

Advertisers

SA Instagram ng Kapuso actress na si Kim Domingo, ramdam ng kanyang followers ang lungkot at pagluluksa ng Bubble Gang star.

Dekada kasi umabot ang kanilang pagkakaibigan ni Zacharel Gelzz.

Simula raw nang nagmo-model pa lang si Kim ay magkaibigan na sila ni Zacharel.



Hanggang makapasok sa showbiz si Kim ay never nang-iwan ang kanyang kaibigan.

Kaya nang malaman na namatay na ang kanyang matalik na kaibigan ay labis na kalungkutan ang nadama ng netizens sa post ng sexy actress.

Hindi nga raw ito makapaniwala na patay na ang kaibigan at nasa kabaong na ito.

Nakipaglaban ang BFF ni Kim sa sakit sa baga.

Masakit para kay Kim na iniwan na siya ng kaibigan pero wala siyang magagawa kundi ang magluksa at ipagdasal ang kaluluwa nito. (Jovi Lloza)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">