Advertisers

Advertisers

Graphic artist huli sa pamemeke ng medical certificate at travel pass

0 274

Advertisers

HULI ang isang graphic artist sa San Juan City sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis noong Biyernes dahil sa pamemeke ng medical certificate at travel pass.
Kinilala ang suspek na si Angelito Benepayo, 42, artist at residente ng Road 4, Barangay West Crame, San Juan City..
Sa report, ikinasa ang entrapment operation kasunod ng paglapit ng isang concerned citizen upang ikonsulta kung “authentic” ba ang kanyang nabiling medical certificate.
Ayon sa ulat, nagtatrabaho ang suspek sa isang cellphone service center sa loob ng Greenhills Shopping Center.
Ibinebenta umano ng suspek ang naturang mga dokumento ng P700 bawat isa.
Inaresto din umano ang isa pang tao nang harangin nito ang pag-aresto ng mga pulis sa suspek.
Narekober mula sa suspect ang isang laptop, printer at laminating machine na umano’y ginamit sa pamemeke ng dokumento.
Nahaharap naman ang suspek sa kasong forgery and falsification of documents, at ang isa pang hinuli ay nahaharap sa kasong obstruction of justice. (Gaynor Bonilla)