Advertisers
KUNG sakaling pumanaw si Rodrigo Duterte o maging inbalido at hindi magampanan ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng bansa, marapat lamang na sumumpa si Bise Presidente Leni Robredo bilang kanyang kahalili at gampanan ang tungkulin bilang pangulo sa susunod na 23 buwan. Ito ang itinatadhana ng Saligang Batas.
Maaari rin manumpa ang Bise President bilang kapalit ng maysakit na presidente kung sakaling magpilit ang ilang tagasuporta ni Duterte na magtayo ng gobyernong rebolusyonaryo. Labag ito sa Saligang Batas. Nasa matuwid na kunin ng Bise Presidente ang timon ng gobyerno sapagkat pang-aagaw sa kapangyarihan ang pagtatayo ng gobyernong rebolusyonaryo.
Sapagkat nawala si Duterte at hindi nagpapakita sa madla, nagdududa ang sambayanan kung magampanan niya ang tungkulin ng panguluhan. Hindi niya kayang mamuno sa mahigit 110 milyones na Filipino. Napagod at bumigay ang katawan sa tindi ng pressure ng trabaho.
Mayroon ang bansa ng isang Pangalawang Pangulo na halal ng bayan. Siya ang itinatadhana ng Saligang Batas na humalili sa pangulo. Ilegal ang pagtatayo ng gobyernong rebolusyonaryo ng mga hindi halal ng bayan.
Io ang dahilan ni PNP director-general Archie Gamboa sa pagkumpirma na inimbitahan siya ng mga hindi kilalang tao sa isang pagtitipon na nagsusulong sa pagtatayo ng gobyernong rebolusyonaryo. Hindi niya tahasang sinabi na tinanggap niya ang paanyaya.
Hindi uubra ang rebolusyonaryong pamahalaan. Walang himigsikan na magsisilbing ama, o dahilan, ng ganitong uri ng gobyerno. Upang mabigyan ng katarungan ang pagtatag ng isang rebolusyonaryong gobyerno, kailangan ng isang himagsikan bilang sandigan. Nasaan nga pala ang kanilang rebolusyon?
Dalawang beses nagkaroon ng rebolusyonaryong pamahalaan sa kasaysayan ng Filipinas. Itinatag ni Gen. Emilio Aguinaldo ang kanyang gobyernong rebolusyonaryo, ngunit ibinatay ito sa Himagsikan ng 1896 laban sa mananakop ng Kastila.
Itinatag ni Cory Aquino ang gobyernong rebolusyonaryo ngunit nakasandal ito sa makasaysayang 1986 EDSA People Power Revolution na gumiba sa diktadurya ni Ferdinand Marcos. Malinaw ang batayan ng dalawang rebolusyonaryong pamahalaan.
Hindi maintindihan ang timpla ng isinusulong gobyernong rebolusyonaryo. Hindi malirip ng mga netizen na may mga taong gustong agawin ang kapangyarihan kay Duterte at sa huli ibibigay rin sa mga taong malapit kay Duterte upang maghari bilang diktador. Walang lohika.
***
NAGSISINGIT ang mga mambabatas ng probisyon sa panukalang Bayanihan Act -2 ng budget na P1 bilyon para sa paggawa ng kubeta. Mabuti at napansin ito ni Franklin Drilon, ang leon ng Senado. Gusto ng ilang mambabatas na gumawa ng mga pampublikong kubeta upang maisulong ang naghihingalong industriya ng turismo sa bansa.
Hindi pumayag ang delegasyon ng Senado sa bicameral conference committee na pumanday sa final version ng panukalang Bayanihan Act-2, ani Drilon. Igniit niya na mas gusto ng Senado na ibigay bilang soft loan ang P10 bilyones na budget sa turismo sa mga maliliit ng negosyo na tinamaan ng lockdown na dala ng pandemiko.
Mahirap isipin na babangon ang turismo kung pampublikong kubeta ang itatayo. O sadyang nais lamang ng mga mambabatas ang mga istraktura sapagkat may kupit sila? Hindi naman mahirap isipin ang totoong pakay ng mga mambabatas.
***
MAYROON kaming isinulat na isang maikling sanaysay tungkol sa kakulanganni Duterte ng isang buhay ispirituwal. Pawang karahasan ang nasa kanyang isipan. Pakibasa:
It was somewhat weird to hear an old man, albeit ill and dying, raising existential and theological questions about his own being and existence on this planet. He has yet to come to grip with his own existence and mortality. He has yet to make peace with his God. He is a picture of a man with deep-seated frustrations in life. Despite his advancing age, he could not grasp the reasons for his existence on this planet.
The sick crazy old man of the South is indeed sick – physically and spiritually. A man of violence, he hardly has any spiritual traditions. He has rejected whatever spiritual legacy his elders could bestow on him. He virtually has very limited spiritual life. He does not contemplate. It’s inconceivable if he ever engages in contemplative prayers. It is all violence for him. By all means, he has become a spiritual enemy. Hence, all imprecatory prayers uttered by Church leaders and ordinary netizens are meant for our spiritual enemy.
Yes, he has made his public speaking engagements as sort of his confessional box. He does not – and could not – hide the turbulence in his soul.
By all means, his is a disturbed soul. Quite a pathetic, decrepit poor soul who has so many unsettled issues in his violent life. By all means, this is punishment from heaven. Whether he goes on to live or he dies does not matter anymore. Heaven is already exacting its vengeance on him – this man of violence, who has never learned to love his fellow men.
***
ISA pang sanaysay:
“FERDINAND Marcos and Benigno Aquino Jr. constituted the yin and yang of Phl politics. Marcos, the dark force or yin, and Aquino, the sunny force, or yang, suffered opposite fates. Marcos, the plunderer, died a very rich man in Honolulu in 1989, but he was a forlorn and decrepit man, who could hardly cope with his various illnesses. Aquino did not become rich, but he had a tragic death in his homeland courtesy of his political nemesis – Marcos.
“Marcos was never a hero, but, like thieves in the night, his heirs buried him at the Libingan ng mga Bayani. Although felled by an assassin’s bullet, Aquino had glorious funeral as millions joined his funeral procession on Aug. 31, 1983. There was absolutely no need to bury him at the Libingan ng Mga Bayani. His death and funeral has proven he is a hero in the people’s heart. Just to be clear …”
***
MGA ilang post namin tungkol sa panukalang RevGov: “Pushing for a revolutionary gov’t confirms Rodrigo Duterte is terminally ill. It hastens VP Leni Robredo’s assumption into power.
“Their RevGov did not click to the people. It has guys from the lunatic fringes and PNP, who’re unpopular and disdained. Pathetic.”