Advertisers
Hinimok ng Malacañang ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic na samantalahin ang mga pautang ng gobyerno para makapagsimula ng sariling negosyo. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing kahapon. “Iniengganyo po natin ang lahat ng nawalan ng trabaho na umutang ng kapital para magsimula ng kanilang sariling negosyo,” ani Roque.
Dagdag ni Roque maaring mangutang ang mga kababayang gustong magsimula ng negosyo sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at Department of Finance (DOF).
Bukod rito, ayon pa kay Roque handang umagapay sa mga displaced worker ang AKAP at TUPAD program ng DOLE.
Tiniyak ni Roque, na maging ang mga kapital ng micro finance institution ay suportado ng pamahalaan. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)