Advertisers

Advertisers

Empleyado ng DPWH, huli sa buy-bust ops

0 231

Advertisers

TIMBOG ang isang government employee sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Hinangatan, Tabango Leyte.
Ayon kay Rogelette Urgel, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 8 (PDEA-8), kinilala ang nahuli na si Edward Veloso at empleyado ng Department of public works and highways (DPWH).
Nakuha sa posisyon ng suspek ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may estimated market value na umaabot sa P3,400.
Ikinokonsidera si Veloso na high value target (HVT) ng mga otoridad.
Sinabi ni Urgel, konektado ang naturang suspek sa malaking drug suspect sa probinsya ng Leyte.
Nahaharap naman sa ngayon ang naturang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.(PTF team)