Advertisers

Advertisers

DOJ, pinaalerto ang NBI sa mga nasirang ebidensiya sa PhilHealth controversy

0 291

Advertisers

Agad na pinaalerto ng Department of Justice (DOJ) ang mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga Regional Offices nito para tiyaking mapreserba at maproteksiyonan ang mga dokumento at ebidensiyang nasa kustodiya ng PhilHealth.
Kinampante ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang publiko at tiniyak na mapangalagaan ang ang mga public at official document na nasa kustodiya ng mga opisina ng PhilHealth mayroon man o walang koneksiyon sa ginawa nilang imbestigasyon.
Ang pagpapakilos ng DOJ sa NBI ay bunsod na rin sa naunang lumabas na ulat na may naganap na pagsira sa mga mahahalagang dokumento at ebidensiyang magdidiin sa mga sangkot sa katiwalian sa PhilHealth.
Ang mga naiulat na pagsira ng mga mahahalagang dokumento ay nangyari umano sa mga regional offices ng PhilHealth partikular sa tanggapan nila sa Ilocos Region.
Nauna na ring naibalita na ang katiwalian sa PhilHealth ay naganap sa iisang rehiyon lamang sa bansa.
Una rito, ay nagpasaklolo na ang Senado sa NBI para maprotektahan ang mga ebidensiya sa kontrobersiya sa PhilHealth. (Josephine Patricio/Jocelyn Domenden)