Advertisers

Advertisers

Bahay nabagsakan ng puno: Daddy lasog, 3 anak sugatan

0 253

Advertisers

PATAY ang isang ama at sugatan ang tatlo nitong anak nang bumuwal ang sa kanilang bahay Biyernes ng gabi sa Kidapawan City.
Kinilala ang namatay na si Edwin Bayawan, nasa hustong gulang, habang sugatan ang mga anak nito na sina Jessie, 23; Jerome, 24; at Jigger, 15, pawang ng Brgy. Ilomavis, Kidapawan City.
Sa report Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), 10:00 ng gabi habang kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan at mahimbing na natutulog ang mag-aama sa kanilang bahay-kubo na nasa kanilang sakahan, sa paanan ng Mount Apo sa nasabing lungsod nang bumuwal ang malaking punong kahoy sa kanilang kubo at naipit si Edwin na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.
Sugatan ang tatlong magkakapatid na agad nalapatan naman ng lunas sa ospital.(PTF team)