Advertisers
Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tinatayang aabot sa 80 ang bilang ng mga bgy.officials na makakasuhan kasama na ang 49 naunang nakasuhan dahil sa maanomalyang distribusyon ng ayuda sa Social Amelioration Program( SAP).
Ito ang sinabi ni DILG Usec Martin Diño sa isang panayam kahapon.
Saad pa ni Diño na inihahanda na nila ang mga kaukulang dokumento ng mga iba pang opisyal na nakatakdang sampahan ng mga kaso.
Sinabi pa ni Diño na hinihintay din nila ang desisyon ng Ombudsman kung papatawan ng preventive suspension ang mga opisyal ng brgy na sasampahan ng kaso. Kabilang sa mga reklamong ipinupukol sa mga tiwaling opisyal brgy ay ang maling pagpili sa mga tatanggap ng ayuda, pagkakahati sa 2 o tatlo ng cash aid na ipinamahagi at pangingikil.