Advertisers
MAY 25,000 estudyante sa private schools ang winelcome ni Manila Mayor Isko Moreno sa pampublikong paaralan sa Maynila.
Inanunsiyo ni Moreno na ang 25,000 estudyante mula sa pribadong paaralan ang lumipat sa mga pampublikong paaralan bunsod na rin ng naging epekto ng COVID-19 pandemic sa bansa.
“Malugod namin kayong tinatanggap,” ayon kay Moreno, kasabay nang pahayag na nai-establisa na ang sistema sa pagpapamahagi ng libreng tablets, laptops at pocket wifi units sa mga guro at estudyante sa susunod na linggo.
Nabatid sa alkalde na ang division of city schools sa pamumuno ni Dr. Magdalena Lim ang mangangasiwa sa pagpapamahagi ng devices sa principals at mga guro sa tulong ng parents-teachers associations (PTAs) patungo sa mga barangay at sa mga magulang.
Inaasahan na matapos ang pagpapamahagi ng devices bago magsimula ang klase ng mga estudyante.
Ang nabanggit na devices ay tulong ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga guro at mag-aaral bilang paghahanda sa blended, distant learning.
Nabatid na ang kabuuang package para sa guro ay kinabibilangan ng pocket wifi at SIM cards na may load na 10GB data na buwanang alokasyon ng mga bata.
Una nang naglaan ngP900 milyon ang lokal na pamahalaan para sa pagbili ng may 110,000 tablets at 10,000 laptops para sa Kindergarten hanggang Grade 12 at mga guro. (ANDI GARCIA)