Advertisers
Ipinag-utos ng National Task Force on Covid-19 na gawing mandatory na rin ang pagsusuot ng face shields sa mga sarado o closed commercial establishment gaya ng malls at grocery stores. Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang press briefing kahapon ng tanghali.
Ayon pa kay Roque, ito ang napagkasunduan ng NTF upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
“Napagkasunduan din ng National Task Force on COVID-19 na dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments gaya ng mga malls at grocery stores,” ani Roque. Una nang sinabi ni Roque na kinokonsidera ng pamahalaan ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng pampublikong lugar sa bansa.
Matatandaan na nitong Agosto 15 ay sinimulan ang implementasyon na mandatong ‘no face shield, no ride’ policy sa lahat ng public transport kasama rin ang paliparan at mga daungan. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)