Advertisers

Advertisers

Pag-phase out sa lahat ng uri ng PUVs ‘di papayagan sa ilalim ng Bayanihan 2

0 221

Advertisers

Tiniyak ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, na walang magaganap na pag-phase out ng mga public utility vehicle sa ilalim ng Bayanihan 2.
Sa ilalim aniya ng Section 4, paragraph fff ng Bayanihan 2 na inaprubahan sa bicam, nakasaad na walang magaganap na phase-out sa lahat ng uri ng public utility vehicle sa local at national level sa gitna ng new normal.
Pinamamadali rin sa DOTr ang pamamahagi ng subsidiya para sa mga driver beneficiaries na hindi pa nakatatanggap ng Social Amelioration Program sa unang Bayanihan 1.
Para naman maging episyente ang pamamahagi sa wage subsidies at ang pagtukoy sa mga isasailalim a cash-for-work program o kaya’y service contracting, ay pinabubuo ng isang electronic at machine readable masterlist ng lahat ng displaced at critically impacted transport workers ang ahensya.
Inaatasan din ang DOTR na makipag-uganayan sa transport service providers, cooperatives at local government units sa isinusulong na service contracting ng mga PUVs.
Kabuuang P9.5 Billion na ayuda ang inilaan sa transportation sector para sa mga programa ng DOTr na tutulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic. (Henry Padilla)