Advertisers

Advertisers

Nurse at Lola, huli sa droga

0 237

Advertisers

ARESTADO ang 60-anyos na lola sa buy-bust operation sa Balayan, Batangas.
Kinilala ang suspek na si Reyna Nepomuceno alias Mommy Brenda.
Aabot sa 20 sachet ng iligal na droga ang nakuha sa suspek, maliban pa ang isang sachet na binili ng pulis na nagpanggap na buyer.
Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Samantala, sa Sta. Rosa, Laguna naman, huli ang nurse na si Christian Alvarez Nonaillada matapos mabilhan ng marijuana sa isa ring buy-bust operation.
Dalawang plastik ng marijuana ang nakuha sa suspek na ginagawang brownies sa halagang P2,000.
Depensa ni Nonaillada, nagawa lang niya ang pagtutulak dahil sa pangangailangang pinansiyal. At sumasailalim umano sa chemotherapy ang kaniyang kapatid. (PTF team)