Advertisers

Advertisers

Lunas sa ulan, baha, hangin: meron na din pala!

0 925

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Aking tinawag ang aking ibong mandaragit, ang aking lider mula sa silangan, at aking ibabangon ang aking sambayanan mula sa malayong lupain, upang ganapin ang aking layunin…” (Isaias 46:11, New Living Translation ng Bibliya).

***

LUNAS SA ULAN, BAHA, HANGIN: MERON NA DIN PALA!!! Bonbon, Cebu, at Sta. Rosa City, Laguna—dalawang lugar na nagpipilit ipaala-ala sa ating lahat na may iba pa palang mabibigat na problemang kinakaharap ang Pilipinas maliban sa COVID 19 pandemic. Sa mga naganap sa Bonbon at Sta. Rosa City noong Huwebes, Agosto 20, 2020, kailangan ding hanapan ng lunas ang kamatayan at kapinsaalang dulot ng ulan, baha, at hangin.



Sa Bonbon, lumubog sa baha ang maraming bahay doon sa kokonting ulat. Na nangyayari na din sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayon. Sa Sta. Rosa City, may 10-taong gulang na binatilyo ang nalunod dahil binaha din ang lugar nila. Ang tanong: papaano ba lulunasan ang ganitong mga trahedyang dala ng kalikasan, lalo na at wala namang makakapagtigil ng ulan at baha?

Sinabi ko na ito noon, sasabihin ko ulit, minsan pa: ayon sa mga pahayag sa Bibliya, darating ang ulan, baha, at hangin, at ang dala nila ay kamatayan at kapinsalaan sa mga itinuturing na mga hangal. Sa mga itinuturing na matalino, hindi sila mapapahamak ng mga kalamidad na ito. Pag-aralan natin kung ganoon ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito.

***

AND KNK: BAKIT “MAHAL NA LD” ANG TAWAG SA PINUNO NG SIMBAHAN? SSDSNNJ Amen.Nadinig niyo na ba kung papaanong tinatawag ng mga Kadugo, o ng mga kasapi ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), ang kanilang pinuno? Gaya ng nauna na nating isinulat dito, kakaiba ang “titulo” kumbaga ng pinuno ng AND KNK. Sa halip na “Brother”, o “Pastor” o “Father”, ang tawag sa pinuno ng AND KNK ay “Lider Disipulo”.

Pero, kung papansinin din natin ng husto, may iba pang mga salita ang nakakadikit kung tinutukoy o tinatawag ang pinuno ng AND KNK. Sa kabuuan, ang pinuno ng Simbahang AND KNK ay tinatawag na “Mahal na LD” ng mga kasapi na kilala din bilang mga Kadugo.



“Mahal na LD”? Tama po, “Mahal na LD.” At mayroon pong mabibigat na mga dahilan sa ganitong katawagan sa pinuno ng AND KNK. Una, ang kinakatawan ng dalawang letra, ng “LD”, ay tiyak na madaling mahuhulaan at kadalasan ang hula ay tama. Ang mga letrang “LD” ay kumakatawan sa “Lider Disipulo”. Initials po ang “LD” ng “Lider Disipulo”.

Pangalawa, ang salitang “Mahal” sa “Mahal na LD” ay may kasaysayan din kung papaano itong nag-umpisang gamitin ng mga Kadugo upang tukuyin ang kanilang pinuno. Pero, kailangang banggitin na muna natin agad na hinango ng Simbahang AND KNK ang salitang “Mahal” mula sa apat na bersikulo ng Bibliya bilang bahagi ng pangalan ng kanilang lider.

***

PAGHIHIMAGSIK, DULOT NG KAAWAY NG DIYOS: Ang apat na bersikulong ito ay ang mga sumusunod: Roma 13:1-2, Hebreo 13:17, Tito 2:9, at 1 Pedro 2:17-18. Sa lahat ng ito, itinatakda ang paggalang, pagmamahal, at pagpapasakop at pagsunod, ng mga Kadugo sa pamumuno ng kanilang pinuno, ayon sa kalooban ng Diyos. Naipaliwanag na po natin ang bawat bersikulong ito sa mga nakaraang Kalatas ng Mahal na LD, at sa mga Pagtitipon.

Ang mahalaga na lamang sa ngayon, dumating sa mga Kadugo ang pagkilala na itong pagpapasakop at pagsunod nila sa kanilang pinuno ay mahalagang sangkap ng kaginhawaan at katagumpayan ng mga ipinagkatiwalang gawain ng pagpapahayag sa kanila ng Diyos, upang matupad naman ang Kaniyang layunin sa pagbibigay ng tatlong antas ng kaligtasan, lalo na sa mga huling kapanahunan.

Partikular na lumabas itong ganitong pananaw sa pagpapasakop at pagsunod sa Lider Disipulo ng AND KNK mula na rin sa mga Kadugo, noong sinubukan ng diyablo na yugyugin ang Simbahan at ang mga kasapi at mga mangangaral nito, noong halos nag-uumpisa pa lamang ang Simbahan sa mga pagtupad sa kaniyang mga gawain.

Bigla kasing may mga mangangaral noong panahong iyon na naghimagsik at sinubukang kuwestiyunin ang mga aral ng Mahal na LD, partikular sa paggamit ng mga salitang “Kadugo Ni Kristo” sa pangalan ng Simbahan. Ang nakakatuwa sa paghihimagsik na ito, itinaon ng mga naghimagsik (mag-asawa silang itinalaga ng Mahal na LD bilang mangangaral) ang kanilang pagkilos noong wala ang Mahal na LD at siya ay nasa ibang bansa.

***

MABANGIS NA SALPUKAN NG MGA TAPAT AT MGA MAPAGHIMAGSIK: Nagkaroon ng mabangis na salpukan, o fierce showdown kumbaga, sa pagitan ng mga mangangaral na naghimagsik laban sa mga aral na ibinababa ng Mahal na LD, at sa mga mangangaral na nananatiling tapat sa pagsunod sa mga aral ng pinuno ng Simbahan.

Batay sa mga ulat na nakarating sa akin, ang isa sa mga natatandaan kung lumaban sa mga naghimagsik na mag-asawa, at nanatiling tapat sa mga aral ng Mahal na LD, ay ang Mahal Na Pastora Lany Dela Cruz Gilongos, na ngayon ay nakatalaga na sa Templo ng AND KNK sa Paniqui at Moncada, Tarlac, at nangangaral din sa Umingan, Pangasinan, at Baguio City.

Dahilan sa banggaang ito ng mga mangangaral na nanatiling tapat sa Mahal Na LD at ng mga mangangaral na naghimagsik at natiwalag at tinanggalan ng katungkulan noong dumating na ang Mahal Na LD, nasentro ang mga pagsasaliksik at pag-aaral ng Simbahan sa katayuan ng pinuno ng Simbahan bilang isang lider na kailangang pinakikinggan at sinusunod ng lahat ng buong katapatan, sa lahat ng sandal.

Doon na naitatag ng husto sa buong Simbahan ang pagtawag sa Lider Disipulo ng AND KNK bilang “Mahal Na LD”. At mula noon, hanggang ngayon, kinikilala ng lahat ng mga Kadugo ang kahalagahan ng pagtawag sa pinuno bilang “Mahal na LD” bilang katuparan sa pagiging tunay na kasapi. Salamat Sa Diyos Sa Ngalan Niyang Jesus, Amen.

***

MAKINIG, MANOOD: “Ang Tanging Daan”, Lunes hanggang Linggo, mula alas 5 ng hapon (oras sa Pilipinas), Bukidnon Radyo Power FM (Valencia City at Lake Seibu, South Cotabato), 95.5 J FM (Dangkagan, Bukidnon), DXMJ 90.3 Sunshine FM (Sumilao, Bukidnon), at sa website ng AND KNK (www.andknk.ph), YouTube (Ang Tanging Daan AND KNK), Facebook pages na www.facebook.com/angtangingdaan, www.facebook.com/attybatas, at sa CATV Cable Channels, Coron, Palawan, at Calamianes Cable TV, sa Calamianes Islands.