Advertisers

Advertisers

Bong Go namahagi ng ayuda sa Tagum City fire, tornado victims

0 472

Advertisers

NANANATILING tapat sa kanyang pangako na patuloy na tutulong sa mga nangangailangan o sa mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad at sakuna, namahagi si Senator Christopher “Bong” Go ng relief assistance sa mga residente ng Tagum City, Davao del Norte na biktima ng sunog at dalawang insidente ng tornado.

“May dala kaming pagkain at face mask na magagamit ninyo. Mayroon ding bisikleta para sa mga nagbi-bike papunta sa kanilang mga trabaho,” ani Go sa video call.

“Nabalitaan ko rin na may ipo-ipo, tornado na dumating sa inyong lugar. Ang importante, walang nasaktan sa inyo. Importante, buhay tayong lahat. Iyang gamit, kaya nating bilhin pero ang buhay, hindi na iyan mapapalitan,” dagdag niya.



Isang pamilya na binubuo ng limang indibidwal ang nawalan ng tirahan sa sunog noong July 4, habang 12 pamilya mula sa Brgys. Libuganon at Busaon ang nawasak ng tornado ang mga bahay noong July 4 at July 29, ayon sa pagkakasunod.

Bukod sa mga pagkain, face masks at mga gamot, namigay ng bicycle units ang grupo ni Sen. Go sa mga residente.

Ginawa ang distribution ng assistance sa ilalim ng estriktong health and safety protocols, gaya ng social distancing.

“Nagpapasalamat ako kay Senador Bong Go sa ibinigay mong ayuda sa aking mga tauhan na naapektuhan ng ipo-ipo. So, first time naming na nakatanggap ng tulong mula sa taas, na meron palang ganito. Noon kasing natamaan kami ng ipo-ipo, ang aking constituents, kahit konting tulong, wala kaming natanggap, pero ngayon, malaki ang aking pasasalamat bilang kapitan ng Busaon sa inyong kabutihan,” ang sabi ni Barangay Captain Bienvenido Lagmay ng Brgy. Busaon.

“Kung may iba pa akong maitutulong sa inyo lalo na sa pagpapagamot sa ospital, sabihan niyo lang ang inyong mga opisyales at makikipag-coordinate ang aking opisina sa kanila. Handa kaming tumulong agad sa inyo,” ayon naman sa senador. (PFT Team)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">