Advertisers
ARESTADO ang 29-anyos na babae nang masita sa umiiral na curfew hours at makuhanan ng shabu sa Caloocan city, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang naaresto na si Lea Fausto Aguilar, 29, ng 155 Binhagan St., ng lungsod.
Sa report, 4:10 ng madaling araw, nagsasagawa ng Oplan Galugad at Oplan Bakal ang mga tauhan ng Caloocan Police sa Buagan St. Cabatuan Brgy. 128 nang mapansin nila ang suspek kaya’t sinita ng mga ito dahil lumalabag sa umiiral na curfew hours.
Tinangka pang tumakbo ni Aguilar nang lapitan ng mga pulis, subali’t nagawa itong madakma nina Pat Arebuabo Alberto at PCpl Venturina Ram Jorge.
Ayon sa ulat, hiniling ng mga pulis kay Aguilar na ipakita ang laman ng kanyang bulsa at doon narekober ang isang plastic sachet na naglalaman ng 5.3 gramo ng shabu na nasa P36,040 ang halaga. (Beth Samson)