Advertisers

Advertisers

Babaeng pulis, nangotong sa online seller

0 246

Advertisers

ARESTADO ang isang babaeng pulis sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa harap ng mall sa Doña Imelda, Quezon City nitong Biyernes nang mangotong sa mga online seller.
Kinilala ang inaresto na si PSSgCruz. Clarissa Dela , nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) – Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU).
Sa ulat ng PNP-IMEG, rumakaket si Dela Cruz sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga face shields online at naging ka-transaksyon nito ang mga biktimang sina Mrs. Alla, Gilbert Ardona at Ms. Pandapatan.
Subali’t nauwi sa away ang kanilang online business transaction.
Ayon sa report, hindi umano nakatupad sa usapan sina Gilbert Ardona at Ms. Pandapatan na kontak ni Mrs. Alla kaya kinasuhan ng estafa at inaresto ng mga tauhan ng ‪Police Station 4‬ Novaliches, Quezon City ang tatlo noong August 19, 2020 matapos magreklamo ang babaeng pulis.
Pero sa halip na ituloy ang kasong estafa laban sa mga suspek, nag-demand ang pulis na si Dela Cruz sa mga naarestong biktima na bayaran siya ng ₱40,000 hanggang ₱50,000 bilang kabayaran sa naunsyaming business transactions.
Dinala pa ni Dela Cruz sa kanyang bahay sa Sampaloc, Manila si Mrs. Alla at naghingi ng ₱10,000 para mai-release ito.
Sa ngayon, nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.(Boy Celario)