Advertisers
NASAGIP ang tatlong Chinese nationals nang ipadukot at ipabugbog ng amo nilang isa ring Chinese national.
Sa ulat, na-rescue ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dinukot na tatlong Chinese nationals na hindi muna pinangalanan noong Agosto 5 sa Parañaque city.
Ayon sa report, pinagbintangan daw ang tatlo ng kanilang supervisor na nagnanakaw ng pera ng kumpanya para ipadala sa kanilang mga kaanak sa China.
Samantala, itinanggi naman ng mga biktima na nagnanakaw sila sa kumpanya.
Naaresto naman ang apat na Chinese nationals at nasampahan ng kasong kidnapping at serious physical injury.(Jocelyn Domenden)