Advertisers
KINASUHAN na ang dalawa katao na nagtapon ng chemical wastes sa ilog na nagdulot ng pangamba at takot sa mga residente nang lumikha ng makapal na pagbula ng tubig sa ilog at nangamatay ang mga isda sa Tuy, Batangas.
Kinilala ang mga naaresto na sina Romano Cabrera y Venzal, 46, ng Barangay Bayudbud, Tuy; at Mark Anthony Austria y Dimaala, 38, driver, ng Brgy. Sabang ng nabanggit na bayan.
Ayon kay Police Maj Von Eric Gualberto, hepe ng Tuy Police, 4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Brgy. Bayudbud.
Sa report, nakatanggap ng tawag ang mga otoridad mula sa mga brgy. official hinggil sa pagtatapon ‘di umano ng chemical substance ng mga salarin sa nasabing ilog.
Inabutan ng mga otoridad ang dalawa habang nililinis ang may 16 drums na pinaglagyan ng kemikal na itinapon sa ilog.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinsalang idinulot ng pagtatapon ng kemikal na nagresulta ng pagkamatay ng mga isda at iba pang hayop sa ilog. Ipasusuri pa kung ano uri ng kemikal ito.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang may-ari ng chemical waste.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA6969 o Toxic substances and hazardois and nuclear waste control act, at RA 9003 o Ecological solid waste management act of 2000 ang mga salarin. (Mark Obleada)