Advertisers

Advertisers

TOPS: BUBBLE TYPE PH GOLF TOUR IKAKASA

0 271

Advertisers

SUSUBUKANG mag-organisa ng isang “Bubble Type” tournament ang Philippine Golf Tour sa susunod na taon sa iba’t ibang parte ng Luzon na may layuning maipagpatuloy ang paglalaro na naaayon sa health and safety standards at protocols ng gobyerno.
Ayon kay Games and Amusement Board consultant sa larong Golf na si Oliver Gan sa TOPS, Usapang Sports On Air, naglabas ng proposal ang Philippine Golf group na magkaroon ng mala-NBA type na klase ng torneo na ilalagay sa isang Hotel. Dito mananatili ang mga golfers na dadaan sa masusing Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test or swab testing at iba pang mga health at safety standards na inilatag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Department of Health.
Sinabi rin ng dating Philippine Sports Commission (PSC) sports coordinator na susunduin ang mga ito ng pribadong transportation para ihatid sa mga designated golf courses, kung saan napipisil na pagganapan nito ang Summit Point Golf and Country Club sa Lipa, Batangas, Beverley Place Golf Club sa Mexico, Pampanga at iba pang mga golf courses, partikular sa parting Luzon lamang.
Inaasahang aabot umano sa 80 pro-golfers sa buong bansa ang lalahok sa anim na iba’t ibang torneo, kung saan nakikita ng mga organizers na magiging magastos ang natu-rang palaro para sa mga nais lumahok dahil maaaring uma-bot sa P20,000.00 kada buwan ang gastusin ng isang pro-golfer. (Danny Simon)
“This are all under their proposal, pero lahat ng ito ay pinag-aaralan dahil sa magiging malaki ang gastusin ng ating mga pro-golfers, lalo na kung hindi maganda ang laro ng isang player tapos mag-risk siya magbayad ng P20,000 ay talagang mabigat,” Hotel and accommodation, transportation, swab testing at iba pang mga safety protocols na kani-lang ihahain para sa kasiguruhan ng lahat ng manlalaro.