Advertisers

Advertisers

Rita Daniela saludo sa utol na frontliner

0 257

Advertisers

NAKAKA-touch ang naging pagbati ng Kapuso star na si Rita Daniela sa kanyang kuya na nagdiwang ng kaarawan recently.

Isang frontliner ang nakatatandang kapatid ng aktres at may pasok ito sa mismong araw ng kanyang birthday kaya naman isang sorpresa ang inihanda ng kanilang pamilya.

Dala ang paboritong cake ng kuya niya, binisita nina Rita ang kapatid sa trabaho upang kahit saglit ay makapag-celebrate, “He’s a frontliner, he’s my brother and it’s his birthday. Can’t even hug and kiss him on his special day. Dropped by to give a piece of his favorite cake. Birthday greetings in just 5 mins.”



Sa Instagram post din ni Rita, ibinahagi niya kung gaano siya kabilib sa serbisyo ng kapatid, “But we’re very proud of u, kuya. You’re doing a good job of being a father to Vivon Loren. Most especially of your love for God. Keep on honoring Him even when it hurts, it will be all worth it. Keep that faith growing!!!”

***

POPS FERNANDEZ PINASOK NA RIN ANG ONLINE BUSINESS

MAY bago na ring negosyo ang Centerstage judge na si Pops Fernandez. Habang hindi pa nagbabalik-taping para sa Kapuso show, pinagkakaabalahan ngayon ni Pops ang new online business na ‘PerF’ na nagtitinda ng fan merchandise.

Bukod sa shirts, isa rin sa mga ino-offer ng PerF ay face masks na gawa sa microfiber fabric na may kasamang tissue air filter pouch sa loob nito.



Samantala, advocate rin ng positive thinking si Pops base sa kanyang social media posts.

Sa isang post, pinaalalahanan niya ang lahat na ang pagiging positive ay hindi nangangahulugang masaya ang isang tao palagi.

Aniya, “It means that even on hard days, you know that there are better ones coming.” (BKC)