Advertisers

Advertisers

P10-K allowance ng health workers

0 284

Advertisers

Saklaw ang tax free P10,000 special risk allowance sa mga private health workers sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Ito ay matapos pagtibayin ng mga miyembro ng bicameral conference committee ang naturang probisyon.
Nabatid na nasa P10.5 bilyon ang inilaang pondo para sa compensation ng mga frontliners kasama na ang special risk allowance ng lahat ng health workers maging public o private na nag-aasiste sa mga COVID-19 patients.
Bukod sa risk allowance, pinagtibay din ng bicameral conference committee ang probisyon na magbibigay ng P100,000 na compensation para sa lahat ng health workers na may severe COVID-19 infection mula Pebrero 1, 2020.
Matatandaan na tanging ang mga public health workers ang nabenepisyuhan ng Bayanihan 1. (Josephine Patricio)