Advertisers
Men are not punished for their sins, but by them. — Writer Elbert Green Hubbard
NAGKAROON ng pneumonia si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. makaraang magpositibo sa sakit na coronavirus 2019 o Covid-19—may mga nagsimpatya sa mambabatas at mayroon ding natuwa.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ng maybahay ng actor-cum-politico na si Bacoor mayor Lani Mercado na naka-isolate na ang kanyang mister sa kanilang tahanan matapos na isugod sa isang ospital nang magpakita ng sintomas ng pneumonia.
Idinagdag ni ‘mayora’ na “hindi na mainam (umano) para ilagak si Revilla sa regular na pasilidad at mas kailangan ang pangangalaga sa isang ospital.”
“Father we lift him up to you,” saad ni Mercado sa kanyang post.
Habang marami sa mga tagasuporta ng senador at ng alkalde ay naghatid ng mga panalangin para sa mabilis na paggaling ng anak ng yumaong dating senador Ramon ‘Agimat’ Revilla Sr., mayroon ding mga kritiko na nagpahayag ng kanilang mga kuru-kuro ukol sa ng 53-anyos na dating actor.
Napawalang sala ang batang Revilla sa kasong plunder o pandarambong noong 2018 kasunod ng desisyon ng Sandiganbayanna hindi siya ‘nagnakaw’ ng labis sa PhP244.5 milyon (US$5 milyon) mula sa kanyang pork barrel funds. Gayun man, nahaharap pa rin siya sa ibang kasong kaugnay sa graft at inutusan ng korte na ibalik ang PhP124.5 milyon (US$2.5 milyon) sa national treasury o pambansang kabangyaman.
Ganito man ang mga kaganapan, ipinipilit ni Revilla na ang pagkakawalangsala niya ay naglinis sa anumang civil liability laban sa kanya, at idinagdag pang wala siyang maibabalik ‘ninakaw’ na milyones.
Bago mailagak sa pagamutan, nagparamdam ang mister ni Lani sa dalawang-minutong live video para hilingin ang panalangin ng kanyang mga tagasuporta.
Aniya: “Fight . . . (it’s) difficult . . . Just pray for me, please.”
Makapangyarihan ang panalangin—lalo na kung mataimtim. Dangan nga lang ay makapangyarihan din siyempre ang karma.
***
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!