Advertisers
‘VOX POPULI, vox Dei’. ‘The voice of the people is the voice of of God’.
Ito ang apela ng consumers mga residente ng Iloilo City sa Korte Suprema as final arbiter sa legal issue sa pagitan ng More Electric and Power Corp (MORE POWER) at Panay Electric Company (PECO).
Dasal ng 65,000 power consumers ng lalawigan, sana isaalang-alang ng kataas-taasahang hukuman ang desisyon sa kapakanan ng nakararami.
Ang pahayag ay ginawa ng pinakamalaking transport cooperative sa lalawigan kasunod ng hindi pa nareresolba na legal issue sa pagitan ng naturang power firms.
Legally, ang More Power ang kasalukuyang nangangasiwa sa pagsu-supply ng kuryente sa Iloilo City sa bisa ng legisltive franchise mula sa Kongreso, business permit mula sa Iloilo City Government, at Certificate of Public Convenience and Necessity(CPCN) mula naman sa Energy Regulatory Commission(ERC).
Pero kinuwestiyon ng PECO ang pag-takeover sa kanilang negosyo. ‘Unconstitutional’ daw ito. Nakabinbin ang usapin sa Supreme Court o SC.
Sabi ni Halley Alcarde, ang General Manager ng Western Visayas Transport Cooperative (WVTC), bagamat 6 buwan pa lamang ang More Power bilang power supplier ng Iloilo ay nakikita na nila ang malaking kaginhawan kumpara sa ilang dekadang pahirap na dinanas nila sa serbisyo ng PECO.
Aniya, ikinatutuwa ng mga residente ang pagpapalit ng power supplier at pag-takeover ng More Power. Makikita naman ito sa social media accounts ng power firm, kungsaan puros positive ang mensahe ng papuri ng consumers.
Say naman ni Francis Gentoral, ang Executive Director ng Iloilo Economic Development Foundation, Inc., bagamat nasa transition phase pa ang pamamahala ng More Power ay makikita na na may accountability at transparency sa ginagawa nito at mahalaga na nakukuha na ng consumers ang tamang serbisyo sa binabayaran nito. Tama!
Sa kabila ng positibo nang reaksiyon ng consumers, inamin ni More Power President Roel Castro na aabutin pa ng 3 taon bago tuluyang mamodernisa ang kabuuan ng power system sa Iloilo City. Naglatag na nga sila P1.8-B modernization program. Nasimulan na nila ang pagpapalit ng mga sisa-sira at lumang pasilidad.
Kahit nasa ilalim ng COVID pandemic ang bansa ay hindi ito naging hadlang para iusad ang mga pagawain sa power system sa lalawigan.
Mula nang pag-takeover ng More Power noong Pebrero 2020 ay na-upgrade na nito ang 100 distribution transformers, napa-litan ang mahigit sa 100 electric poles at isinaayos ang 97 hotspot connectors, napalitan ang lahat ng switchboards at transformers sa lahat ng 5 substations, at pagpapalit ng depektibong electric meters sa may 15,000 residente. Ayos na ang buto-buto, ika nga!
Sa technical study na ginawa ng Miescor Enginering Services Corp., una na nitong sinabi na manually operated ang mga pasi-lidad na ginagamit ng PECO. Karamihan daw ay gawa pa noong 1960s. Dahil hindi na ito akma sa panahon ay maaaring pagmulan ito ng mga sunog lalo at umaandar sa 90% capacity ang load ng mga power substations na dapat ay 70% lamang.
Maliban sa mga consumer group, ilang multi sectoral groups din ang nauna nang nagpahayag ng suporta sa More Power kabilang na ang simbahan, teacher groups at transport sector.
Again, dasal ng power consumers sa lalawigan, pakinggan sana ng korte ang apela nila. Amen!
***
Sinuspinde na ng Ombudsman ang 13 opisyal ng PhilHealth kaugnay ng multi-billion anomaly sa state insurer.
‘Di kabilang sa mga sinuspinde ang President ng PhilHealth na si Ricardo Morales. Pero nakapag-file na ito ng leave. Sasai-lalim siya sa chemotheraphy. May cancer siya.