Advertisers

Advertisers

Health workers puede na mag-abroad

0 284

Advertisers

Puwede nang mangibang bansa ang mga health workers na inisyuhan ng Overseas Employment Contract (OEC) at naberipika ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) noong Marso 8.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management on Emerging Infectious Diseases ( IATF- EID) sa ginanap na pagpupulong nitong Huwebes, Agosto 20.
“Nadesisyunan po ng IATF ngayong hapon na yung mga health workers na merun na pong OEC na issued ng POEA at yung employment contract verified as of March 8, 2020 ay puwede na pong lumabas ng bansa,” ani Roque.
Sinabi pa ni Roque, maari rin lumabas ng bansa ang mga Balik- Mangggagawa o yung nagbabakasyon lamang sa bansa at matagal ng nagtatrabaho abroad.
“Sakop pa rin po ang pagdedeploy abroad ng lahat ng health workers kung wala po silang dokumento on or before March 8, 2020,” ani pa ni Roque.
Matatandaan na nitong nagdaang Marso ay sinuspinde ng pamahalaan ang deployment ng mga health workers abroad para tumulong muna sa malaking nakaambang responsibilidad sa gitna ng pandemyang hinaharap ng bansa. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)