Advertisers

Advertisers

Gen. Rhodel Sermonia: Bayani ng Rektang-Bayanihan kontra Covid

0 848

Advertisers

Sa gitna ng pandemiya na nagbibigay ng krisis sa atin at lingid sa kaalaman ng nakararami sa atin, may kabayanihan itong si Police Regional Director ng Central Luzon na si Brig. Gen. Rhodel Sermonia na siyang nanguna sa pagtatatag ng Rektang-Bayanihan Adopt a Family Program kung saan halos 1 milyong indibidwal ang natulungan sa kaniyang nasasakupan.

Maituturing nating bayani si Brig. Gen. Sermonia dahil sa kanyang pagsisikap at inisyatiba nang siya ay makaisip ng isang konsepto at paraan para magtulungan at matulungan ang mga nangangailangan sa kanyang lugar, lalung-lalo na ang mga kapus-palad, na nasa malalayong lugar sa Gitnang Luzon.

Nagawa rin niyang ang kanyang mga kakilala, kaibigan, kasamahan sa hanapbuhay atbp. ay magsama-sama, magtulong-tulong at mag-ambag-ambag upang tulungan ang mga apektado ng quarantine nang dahil sa virus na COVID-19. Ito ay sa kabila ng hindi rin matatawarang mga tagumpay ng kaniyang unit laban sa kriminalidad at terorismo. Bukod dito, siya rin ay mayroong programa sa telebisyon, radio at internet na Rektang Konek Aksiyon Agad (RKAA) na tumutugon sa mga reklamo at hinagpis ng ating mga kababayang biktima ng samu’t-saring pang-aabuso. Walang sinisino, wika nga.



Libo-libo ang nagsilapit sa Rektang-Bayanihan ni “Manong Rhodel” para magbigay ng kanilang tulong, donasyon na gaya ng bigas, delata, at anumang mabilis na makakain sa panahon ng sakuna, mga personal na gamit gaya ng hygiene kits at maging mga buhay na manok mula sa napakaraming donor upang makain ng mga naghihinagpis. Iniikot ni Gen. Sermonia ang mga probinsiya upang direktang ipaabot sa mga mamamayan ang mga biyaya ng Rektang Bayanihan. Kailangang ang ganitong klase ng inisyatiba ay ipamalas din ng ating kapulisan sa iba’t-ibang parte ng bansa.

Mula nang naupo bilang regional director si Sermonia, malaki ang naging improvement ng PRO3.

Nagawa naman ng maayos ni Brig. Gen. Sermonia na ang mga donasyon ay maibigay sa lahat ng nangangailangan sa tulong na rin ng kanyang mga tauhan sa Police Region Office 3 (PRO3). Katunayan magmula noong Marso 17, hanggang nito lamang August 13, mayroon ng 918,650 pamilya ang nabigyan ng tulong o ayuda ng Rektang-Bayanihan ni Sermonia.
Ito ang naging dahilan para sa Philippine National Police (PNP) ang institusyong na kanyang kinabibilangan at pinagsimulan bilang isang lingkod bayan, na kilalanin ang kabayanihan ni Brig. Gen. Sermonia sa paggawad sa kanya ng Special Individual Award dahil sa kanyang pagkilos at pagtulong sa mga tao sa gitna ng krisis na gawa ng COVID-19.
Ang karangalang ito ay binigay sa kanya nang idaos ang ika-119 Police Service Anniversary noong August 6, 2020 upang kilalanin ang kanyang pamumuno sa rehiyon na nasasakupan di lamang para labanan ang kriminalidad kundi labanan ang di nakikitang kaaway na virus na COVID-19 at tulungan ang mga naapektuhan nito.

Nauna rito ang isa pang award na ibinigay naman sa kanya noong July 30, 2020, nang gunitain naman ang ika-25 Police Community Relation Month, kung saan ay iginawad sa kanyang pamunuan ng rehiyon ang Special Unit Award dahil sa kanyang malaking kontribusiyon sa programa ng PNP na Kapwa Ko, Sagot Ko, sa pamama-gitan pa rin ng kanyang sariling Rektang Bayanihan Adopt a Family Program.

Dahil sa programa niyang ito at sa tulong na rin ng mga opisyal at mga tauhan ng PRO3 naipadadaloy ang mga tulong ng maayos sa gitna ng mga umiiral na Community Quarantine ng pamahalaan.



At di ko babanggitin na sa pamumuno ni Brig. Gen. Sermonia 24.26 prosiyento ang binaba ng krimen sa Central Luzon, o kaya’y pagbaba ito ng 9,916 kaso ng krimen. Wala pa rin diyan ang bilang ng kanyang mga napagawang mga pasilidad sa kanilang kampo.

Lalong wala rin diyan ang 7,945 na indibidwal na kanilang naaresto sa 5,189 na anti-illegal drugs operations kung saan wala rin diyan ang 122,727.97 na gramo ng shabung nakumpiska at nagkakahalaga ng higit sa P800 million. Hindi ko na rin sinama dyan ang bilang ng marijuana at ecstacy na kanilang nahuli at nasamsam.

Baka kasi, kayo naman ang maka-isip, pa na bigyan pa uli ng parangal, itong ating bayani at kaibigan na si Manong Rhodel, ang award winning na bayani pa ng Regional Police Director ng Central Luzon dahil sa kanyang Rektang-Bayanihan at iba pang mga kahanga-hangang programa.
At sa kaniyang mga walang magawang kritiko, kung mayron man, hindi kayo papatulan ni Gen. Sermonia para sumikat kayo. Ang kaniyang tugon sa ganyan ay ito lamang: isang matamis na ngiti.