Advertisers

Advertisers

Food delivery service 24/7 na bukas sa GCQ areas

0 240

Advertisers

Pinapayagan nang magbukas 24/7 ang food deliveries sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, maging ang mga third party services ay pinapayagan na mag-operate ng food delivery 24/7.
Nabatid na karamihan sa mga Metro Mayors ay nagbaba na ng executive order na pinapayagan ang 24/7 food deliveries.
Ani Garcia, kaya ipinatupad ang ganitong sistema para makakain ang nagdu-duty na mga health workers at iba pang mga nagtatrabaho o iyong mga nasa bahay na hindi makalabas sa oras ng curfew.
Sinabi pa ni Garcia na malaking tulong sa mga may food chain o establisyimento na makabawi sa panahon ng pandemya.
Dagdag pa niya na exempted sa umiiral na curfew ang mga food partners ng mga resraurant para makapaghatid ng pagkain.
Ayon pa kay Garcia, ipakita lamang nila ang kanilang mga ID sa mga checkpoints. (Vanz Fernandez/Jonah Mallari)