Advertisers
Nasa 44 drug personalities, 29 wanted person at 8 illegal gamblers ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations.
Sa report na tinanggap ni PNP Region 3 Director PBGen. Rhodel Sermonia mula sa Drug Enforcement Unit ng Angat, Balagtas, Baliwag, Bocaue, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Malolos, Meycauayan, Obando, Pandi, San Rafael, San Jose Del Monte, Sta Maria PNP and Provincial Intelligence Unit (PIU), nakumpiska sa 44 na drug-pusher ang 127 plastic sachets ng hinihinalang shabu, 2 plastic sachets at isang 1cup ng dried marijuana.
Kabilang din sa mga nadakip ang 8 katao na sangkot sa anti-illegal gambling operations sa bayan ng Bulakan at Meycauayan City
Nakuha naman mula sa kanila ang playing cards at pera na Php 543.00.
Samantala kalaboso din ang 29 na wanted person na sangkot sa iba’t-ibang kaso mula Baliwag, Bocaue, Bustos, Guiguinto, Hagonoy, Marilao, Paombong, Pandi, Plaridel, Norzagaray, Meycauayan, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael, San Jose Del Monte, Sta. Maria .
Nabatid na sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso nang Covid-19 iginiit ng opisyal ng pulis na mananatili ang manhunt operation ng buong puwersa ng PNP sa gitnang Luzon kahit may pandemya. (Thony D. Arcenal)