Advertisers
Ipapatupad ang unified curfew sa ilalim ng mas mahigpit na General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magpulong nitong Martes ng gabi ang National Task Force Against COVID-19.
Ayon kay Roque, inaprubahan ng NTF ang rekomendasyon ng Metro Manila Mayors na magkakaroon ng Unified Curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga sa ilalim ng GCQ sa Metro Manila.
Bagama’t sinabi pa ni Roque na hindi pa rin pinapayagan sa mas mahigpit na GCQ na muling magbukas ang mga gyms, internet cafes, review centers at tutorial centers.
Habang limitado lamang sa 10 indibidwal ang mass gathering kasama ang religious services.
Samantala, puwede nang mag-operate muli ang mga barberya at salon pero ipinapaubaya na sa mga LGUs ang working capacity nito. (Josephine Patricio)