Advertisers
MULA sa pagiging mabaho, sira-sirang anyo ay isinara ito para bigyang daan ang total makeover, at ngayon ay bubuksan na ang Manila City Hall underpass sa publiko kung saan magugulat ang lahat dahil sa kakaibang anyo nito na bagong-bago at moderno.
Sinabi ni Mayor Isko Moreno na ang mga dadaan sa bagong Manila City Hall na nagdudugtong sa Manila City Hall sa Intramuros, ay babatiin ng mga vertical gardens sa parehong dulo. Ang mga hagdan at pader ay may disenyong sining, murals at information map sa linya ng jeepney sa lungsod at mayroon ding digital information kiosk na gagabay sa mga turista, bisitang lokal na naghahanap ng ispisipikong lugar sa lungsod.
Sa lahat ng mga vendors na dating naghambalang sa underpass kung kaya’t hindi na madaanan ng mga pedestrian tanging ang mini bookstore lamang na nagtitinda ng second-hand books ang pinayagang matira, pero binago ang stall nito at ginawan ng bagong disenyo para maging katulad ng disenyo ng buong underpass.
Sinabi pa ni Moreno na ang underpass ay maliwanag at puno ng ilaw at nagtataglay din ng security cameras at personnel upang protektahan ang mga daraan sa magdamag.
Sinabi ni city engineer Armand Andres na sa utos ni Moreno ay gumamit sila ng tnon-skid tiles sa sahig upang hindi madulas ang kahit na sinong dumadaan tuwing tag-ulan kung saan inaasahang laging basa ang sahig.
Maging ang kisame ng underpass ay binago at pinaganda at nilagyan din ng vertical gardens ang loob nito, ayon pa kay Andres.
Pagkaupong-pagkaupo pa lamang ni Moreno bilang mayor ay nilinis na niya ang mga illegal vendors na inilagay ng mga ‘organizer’ kapalit ang iba’t ibang halaga na kinokolekta sa vendors.
Dahil punong-puno ng mga vendors ay nahihirapan ang publiko na dumaan dito dahil sa kaiiwas sa mga panindang nakahambalang sa sahig na nagdudulot pa ng matinding dumi at kalat lalo na kapag umuulan.
Inutos ni Moreno na ang orihinal na sidings nito at palitan ng magandang reproduction ng Botong Francisco mural tulad ng mural na bumabati sa mga bisitang nagtutungo sa Bulwagang Antonio Villegas sa City Hall kung saan ginagawa ni Moreno ang kanyang press conferences sa panahon na wala pang pandemic.
Nabatid mula kay Andres na ang closed circuit television cameras na may high-tech facial recognition ay inilagay din sa underpass.
Ayon pa kay Andres walang naging gastos si Moreno, kahit na sentimo sa naging renovation ng Manila City Hall underpass na nagsimula noong Marso. (Andi Garcia)