Advertisers

Advertisers

Senado tinapos na ang PhilHealth probe

0 230

Advertisers

TINAPOS na ang imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole sa mga panibagong anomalya sa PhilHealth matapos ang tatlong pagdinig.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na handa na siyang gumawa ng committee report kung saan ipapaloob ang kanilang mga magiging rekomendasyon para matiyak na matitigil na at hindi na mauulit ang katiwalian sa PhilHealth.
“I am ready to draft and formulate a comm report with recommendations,” wika ni Sotto.
Samantala, pabor din si Senador Panfilo Lacson na tapusin na ang imbestigasyon hinggil sa kontrobersiyang bumabalot sa ahensya.
Ayon kay Lacson, sapat na ang kanilang nakalap na mga ebidensya para masampahan ng kaso ang mga responsable o sangkot sa systematic corrupt practices sa PhilHealth dahilan para humantong ngayon sa financial death bed ang kalagayang pinansyal ng ahensya.
Dagdag pa ni Lacson, ang mga ebidensyang nasa kamay nila ay suportado ng mga opisyal na dokumento at testimonya mula sa mga humarap na resource person na tumestigo sa ilalim ng panunumpa. (Mylene Alfonso)