Advertisers

Advertisers

Sen. Go may apela sa mga empleyado ng Philhealth

0 264

Advertisers

UMAPELA si Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go sa mga empleyado at opisyal ng PhilHealth na walang kinalaman sa mga alegasyon ng korapsyon sa ahensiya na tumulong para maresolba ang isyu.

Sinabi ni Go na sa mga inosente na kailangan lang ng kooperasyon para sa ikalilinis ng ahensiya upang makausad na ang kaso.

Ayon pa kay Go, mahalagang makagalaw na at makapagtrabaho nang maayos ang PhilHealth lalo na ngayon na nahaharap ang bansa sa COVID-19.



Binigyang-diin ni Go na bilang isang mambabatas ay hindi siya makakapayag na masayang ang pinaghihirapang kontribusyon ng bawat manggagawa sa bansa at maging ang mga Overseas Filipino workers.

Umaasa si Go na mabilis ang suspension sa mga akusado na may nalalaman para hindi mapagtakpan ang mga anomalya sa ahensiya na itinuturing na sindikato.

Una nang sinabi ni Go na posibleng nasa baba ang problema dahil kumbinsido siyang hindi lahat ng nangyayari sa ahensiya ay nakikita ng CEO at president. (Mylene Alfonso)