Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ambush ng Maute-ISIS

0 517

Advertisers

PATAY ang isang pulis nang tambangan ng pinaniniwalaang mga miyembro ng teroristang Maute-ISIS sa Lanao del Sur.
Kinilala ang biktimang si P/Cpl. Joel Apduhan, 31, nakatalaga sa PNP-Maritime Lake Lanao sa Marawi City .
Sa report ng Lanao del Sur Provincial Police Office, naganap ang insidente sa bayan ng Marantao, Lanao del Sur.
Ayon sa ulat, galing sa tailoring shop ang biktima kasama ang isang Sajidi Shagit na lingid sa kanila ay palihim silang sinundan ng armadong grupo.
Nang makatiyempo, malapitang pinagbabaril ng mga salarin ang mga biktima. Tinamaan sa leeg si Apduhan na namatay noon din. Masuwerte namang nakaligtas si Shagit. Mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.
Patuloy pa ang pagsisiyasat ng pulisya sa krimen.(PTF team)