Advertisers
SIMULA kahapon ay puwede na sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang pag-aangkas sa motorsiklo na walang barrier.
Bagama’t, ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar may mga itinakdang kondisyon para mapayagan ang pag-aangkas sa motorsiklo.
Nilinaw ni Eleazar na kinakailangan ang magka-angkas ay mayroong dalang ID na magpapatunay na sa parehong bahay sila nakatira o pareho ang address ng kanilang bahay.
Ayon pa kay Eleazar kapag hindi nakatira sa iisang bahay ay kailangan pa rin ang barrier sa motorsiklo.
Paglilinaw ni Eleazar na kapag APOR hindi na kailangan magkasama sa bahay ang rider at angkas.
Sinabi pa nito kung ang driver ay hindi APOR pero ang sakay niya ay APOR papayagan ang pag-aangkas kung may barrier, naka full-face helmet at naka-face mask sila. (Josephine Patricio)