Advertisers

Advertisers

Lalamove driver huli sa pag-deliver ng shabu

0 254

Advertisers

KULONG ang isang Lalamove driver at kasabwat nito nang maaktuhan ng mga pulis ang pag-deliver ng shabu sa Las Piñas City, Martes ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Arnel Alfonso alias “Kirat”, 40, ng Paranaque City; at Marlon Chavez alias Boy Bulong,ng Barangay CAA, Las Pinas City.
Ayon kay SPD director, Police Brig. Gen. Emmanuel Peralta, aabot sa P368,000 halaga ng shabu ang kanilang nakumpiska sa dalawa.
Sa report, 8:00 ng gabi nang dumating ang isang naka-motorsiklong lalaki na nakasuot ng Lalamove at may inabot ito sa isa pang lalaki. Mabilis silang dinakma ng mga pulis. (Gaynor Bonilla)