Advertisers
PATAY ang isang pasahero habang sugatan ang 11 iba pa nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa Sagubo-Gadang Provincial Road, sa Barangay Sagubo, Kapangan, Benguet.
Sa report, minaneho ni Carlito Manuel, 53, may asawa, residente ng Brgy. Gadang, Kapangan, ang jeep na may plakang AYL 894. May sakay utong 14 pasahero.Nang pababa na ang sasakyan sa kahabaan ng provincial road ay tuloy-tuloy itong dumausdos dahil sa madulas na kalsada hanggang dumiretso sa bangin na may lalim na 250 metro.
Ang pampasaherong jeep ay galing ng Baguio City at pauwi na ng Gadang, Kapangan.
Agad na itinakbo sa Baguio General Hospital ang anim sa mga pasahero na sina Mario Polon, Lanie Lacwayan, Chai-an Langcao, Jhemimah Langaoan, Carlito Manuel at Sarsenia Sapigao, sanhi ng sugat at pinsala sa katawan.
Namatay habang ginagamot sa naturang hospital si Sapigao.
Dinala naman sa Kapangan District Hospital ang ibang pasahero na sina Wennie Manuel, Ritch Brandon Carino, Estrella Waclin, Corazon Lacwayan, Josephine Dagdag at Jovie Langaoan.
Ang iba pang pasahero na sina Dexter Buyao, Jonard Alejandro at Ken Jonie Jade Assan agad na nakalabas ng ospital dahil gasgas lamang ang inabot.(PTF team)