Jane ‘di na lilipad na ‘Darna’, Star Cinema nalugi ng P140-M; Erich nag-trending ang house tour sa socmed
Advertisers
NANGHIHINAYANG ang direktor ng Darna na si Jerrold Tarog at nakaplano na nga raw ang lahat as in locked-in at bayad na lahat.
Isa pa naman Pinoy Superhero,ang Darna pero kung anu-anong aberya ang sinapit nito hanggang sa inabot na ng lockdown.
Ang movie sana na Darma ang magiging launching ni Jane De Leon na ipinalit kay Liza Soberano na nagkaroon ng finger injury nung training.
Ayon sa sitsitera, ipina-stop daw ng Star Cinema ang shoot ng Darna, meaning tigil na rin ang payola ng lahat.
Naglabas na ng P140-M na gastos at may dagdag pa sana na 100M kaya suma total aabot sa 240M ang magagastos ewan lang kung mababawi.
Kaya naman ang inaasahan na paglipad ni Darna ay nabantilawan o naudlot.
Masasabi na sa lahat ng project na nagawa ng film outfit big-budgeted ang Darna.
Samantala, marami namang netizen ang naghihinayang for sure sa ‘di na paglunok ng bato at pagsigaw ng Darna ni Jane.
Desisyong ipatigil ng film outfit dahil luging-lugi na ito kaysa magdagdag capital na naman ayon pa sa aming sitsitera.
***
FINALLY, inilibot ni Erich Gonzales sa social media ang kanyang bagong bahay.
Bago pa nga lang daw upload ito pero magha-half million na ang nag-watch sa You Tube channel ni Erich sa kanyang White house.
22 years old pa lang daw ito ng mabili niya ang lote at nag-ipon at ng 2014 nagsimula na ang construction ng bahay ni Erich na napapaligiran ng mga puno.
Apat lang silang nakatira sa bahay at pansin din na hindi masyadong maraming abubot na nakalagay sa bahay ng dalaga.
Sa mga naka-tour sa bahay ni Erich eh nailarawan na love nature ang aktres at mukhang may peace of mind at mala- paraiso ang lugar ng dalaga.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi LLoza)