Advertisers
ISANG exclusive tour sa kanyang bagong bahay ang sorpresa ng Kapuso hunk na si Derek Ramsay sa kanyang fans na napanood sa Unang Hirit.
“I really want to share with you all the stress, all the effort that I had to put in the past years in building this house. Umabot pa nga ng lockdown,” say ng Kapuso actor.
Sa kanyang house tour, ikinuwento ni Derek na lahat ng artworks at masterpieces sa loob ng kanyang tahanan ay gawa ng Filipino artists.
“Kind of like a resort feel but at the same time very very homey,” dagdag na kwento ni Derek tungkol sa napili niyang theme para sa kanyang bahay.
***
ISA ang mobile journalism newscast na Stand for Truth sa mga itinuturing nating pangunahing source ng balita at impormasyon online. Kaya naman hindi na kataka-taka ang patuloy na pamamayagpag nito sa Facebook at YouTube.
Nitong nakaraang July nga, pumalo sa 22.3 million views ang SFT sa official Facebook nito kahit ngayong taon lang ito nai-launch. Pasok sa list ng top videos nito ang two-part special report ni Atom Araullo na “Di Matapos Na Krisis: A Stand for Truth COVID-19 Mid-Year Report.”
Patuloy rin sa pag-arangkada ang SFT sa YouTube. May 2.3 million combined views ito para sa July mula sa GMA Public Affairs at GMA News channels.
Bukod kay Atom, napapanuod din sa SFT ang GMA resident political analyst na si Richard Heydarian at ang mga mobile journalist na sina Nico Waje, Mj Geronimo, Jairo Bolledo, Manal Sugadol, Shai Lagarde, Izzy Lee, at Jm Encinas.
Tuwing 9 pm, Lunes hanggang Biyernes, napapanuod ang Stand for Truth sa kanilang official Facebook page at sa YouTube channels ng GMA News at GMA Public Affairs.
***
Fresh episode ng ‘Bubble Gang,’ ngayong Biyernes na
Ngayong Biyernes, August 21, mapupuno ng good vibes ang gabi ng Kapuso viewers dahil isang brand new episode ang handog ng ‘Bubble Gang’.
Ayon sa ilang cast members, excited silang lahat na muling magpasaya kaya umaapaw sa energy ang mga bago nilang episode. Dahil naka-quarantine pa rin, sa kanya-kanyang bahay lang muna sila nag-taping pero siguradong matutuwa raw ang audience sa mga inihanda nilang comedy skits, sketches, at parody videos. Exciting. (Rommel Gonzales)