Advertisers

Advertisers

Brgy. Chairman nag-party sa brgy. hall nai-report, nagalit

0 229

Advertisers

NAGHAIN ng reklamo ang isang ginang nang makatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay sa lungsod ng Pasay.
Kinilala ang nagreklamo na si Cresilda Supat Mendoza, 41-anyos, residente ng 2704 Cabrera St., Brgy. 134.
Ang inireklamo ay si Ronnie Palmos, Chairman ng Bgy. 134 Zone 15.
Ayon sa imbestigasyon ni Police Senior Master Sargeant Nestor Rubel, officer on case ng Pasay City Investigation and Detective Management, inireklamo ni Mendoza si Palmos ng pagbabanta sa buhay nila ng kanyang asawang si Vance Alexie Mendoza mula nang kumalat ang video tungkol sa mga paglabag sa Manila Enhanced Community Quarantine (MECQ) na naganap sa loob ng barangay hall ng Brgy. 134.
Sa salaysay ni Mendoza, noong Linggo, Agosto 16, habang nasa loob ng kanyang bahay ay nakita niya si Palmos, kasama ang 12 hanggang 15 katao na masayang nag-iinuman sa loob ng barangay hall bilang pagdiriwang sa kapistahan ng Patron ng San Roque.
Nakita ni Mendoza si Palmos at mga kasama na walang ‘social distancing’, walang suot na face mask at ang ilan ay nakahubad-baro pa.
Ayon kay Mendoza, maituturing itong paglabag sa ipinatutupad na alituntunin sa MECQ laban sa Covid-19 pandemic na dapat sila ang mga nagpapatupad.
Sa report, ikinagalit ni Palmos ang ginawan ni Mendoza sa pagre-report nito sa pulisya sa nangyaring mga paglabag sa MECQ.
Mula noong Lunes nakata-tanggap ang mag-asawang Mendoza ng mga pagbabanta diumano mula kay Palmos.
Wala pang paliwanag si Palmos tungkol sa reklamo na pinagbabantaan niya ang ginang. (Bambi Purisima)