Advertisers

Advertisers

BAKUNA

0 344

Advertisers

Walang duda na sa harap ng kawalan ng gamot na panlaban sa COVID-19, ang agad na kailangang maimbento ay bakuna. Mahigit 22 milyon na ang covid-positive sa buong mundo, mahigit 780,000 na ang namatay. Dito sa Pilipinas ay mahigit 170,000 na ang positibo at lagpas 2,680 na ang patay.

Walang kinakailangang nationality ang bakuna. Ibig sabihin, walang masama kung galing man ito ng Russia, China, Amerika, Europa, o sa Africa. Mas bentahe nga kung may kapasidad tayong makagawa ng sarili tulad ng ginagawa ngayon ng Indonesia. Ang importante sa lahat ay epektibo at ligtas ang bakuna dahil kung hindi, maaring magdulot ito ng mas malalang pinsala ayon din mismo sa mga eksperto.

Kaya’t habang ginagawa pa lamang ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay agad na nating paalalahanan ang ating sarili na ang bakuna ay hindi eksaktong gamot sa isang sakit. Ito ay panlaban lamang sa pagkakaroon ng naturang sakit.



Ganito ang sinasabi ng World Health Organization (WHO) tungkol sa bakuna: “Vaccines reduce risks of getting a disease by working with your body’s natural defences to build protection. When you get a vaccine, your immune system responds.”

Ayon naman sa Centers for Disease Control and Prevention: “A vaccine stimulates your immune system to produce antibodies, exactly like it would if you were exposed to the disease. After getting vaccinated, you develop immunity to that disease, without having to get the disease first. This is what makes vaccines such powerful medicine. Unlike most medicines, which treat or cure diseases, vaccines prevent them.”

Malinaw sa dalawang paliwanag na ito na ang bakuna o immunization ay magpapalakas lamang sa immune system ng isang tao para hindi ito tamaan ng nakahahawang sakit. Ang mass immunization, kung gayon, ay para proteksyunan ang maraming tao laban sa sakit na may kapasidad lumawak o maging epidemya, o maging pandemyang katulad ng COVID-19.

Pero dahil wala pa ang bakuna, ang ilang solusyon ay magpatupad ng health protocols na ang layunin pa ay ibayong pag-iingat katulad ng mass testing, physical distancing at pagsusuot ng mga personal protective equipment para maiwasan ang hawaan. Marami dito ay hindi epektibong nagagawa, hindi dahil pasaway ang mga tao, kundi dahil kapos at maraming palpak sa sistema, maging sa ayuda ng gobyerno.
Pero alam ba ninyo na bukod sa bakunang itinuturok sa katawan para labanan ang sakit ay may bakuna rin na itinuturok sa utak ng tao? Ito naman ay para gawing manhid ang kamulatan ng tao tungkol sa hindi normal na mga pangyayaring nakikita niya sa kanyang paligid.
Halimbawa nito ay ang bakunang itinuturok ng Pangulong Duterte sa utak ng mga Pinoy tungkol sa konsepto ng human rights. At dahil masama ang panlasa niya sa human rights noon pa, itinuturo niya ngayon ang kasamaan ng prinsipyong ito sa mga Pilipino. Ang pinakahuli nito ay nang sabihan niya ang mga nasa human rights na magtrabaho na lamang sa mga punerarya para magbilang ng patay. At sino nga ba ang makakalimot sa kanyang pahayag na ‘happy to kill 3 million” katulad ni Hitler sa kanyang brutal na war on drugs?
Alam ng lahat nang may matinong pag-iisip na hindi masama at walang mali sa pakikipaglaban para sa human rights. Pero dito sa Pilipinas, kulang na kulang na nga sa pagtamasa ng human rights, ay ginawa pa itong kamuhi-muhing bagay ng kasalukuyang Pangulo.
Hindi tuloy nakapagtataka na ang maraming Pinoy na galit sa mga ‘pasaway’ dahil sa laki ng takot na marami pang mamatay sa pagkalat ng COVID-19 ay sila ring walang kibo o nagagawa pang pumalakpak sa laganap na patayang nagaganap sa bansa. Ilan pa nga sa kanila ay dating tagapagtanggol ng human rights ngunit nagbago ang takbo ng pag-iisip mula nang mabakunahan noong 2016.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">