Advertisers

Advertisers

TALENT FEE NI ISKO DINONATE SA STO. NIÑO DE PANDACAN PARISH

0 297

Advertisers

NAGPASIYA si Manila Mayor Isko Moreno na ibigay ang kanyang talent bilang isang modelo ng isang health product sa nasunog na Sto. Niño de Pandacan Parish Church.

Ang kanyang talent fee na nagkakahalaga ng P700,000 ay binigay ng alkalde bilang donasyon sa simbahan. Si Moreno ay isang endorser ng liver vitamins.

Ayon kay Moreno, ang nabanggit na halaga ay tulong niya para sa reconstruction ng Sto. Niño Parish Church sa Pandacan, Maynila.



“Ito po ay ang aking buong talent fee mula sa aking pagmomodel sa Livergold, at ito po ay agad nating inihatid sa kanila para po dagdag tulong sa pagsasa-ayos ng simbahan,” ayon kay Moreno.

Magugunita na tinupok ng apoy ang halos buong Sto. Niño Parish Church noong nakalipas na Hulyo.

Kaagad umanong binisita ni Moreno si Msgr. Sonny de Claro at nangakong maghahatid ng tulong sa kanila.

“Para sa mga minamahal kong taga-Pandacan, makakabangon po tayong lahat dito. Tiwala lang po at pananalig sa Diyos,” dagdag ni Moreno. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">