Advertisers
Pinasisilip ni Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability ang utilization ng PhilHealth sa kanilang 2017 at 2018 funds sa ilalim ng General Appropriations Act.
Ayon kay Legarda, siya mismo ang ang nag-sponsor ng P3 Billion na pondo ng PhilHealth noong 2017 at P3.5 Billion naman noong 2018 noong siya pa ay Senador.
Aniya ang ginawang budget augmentation sa ahensya ay para sa lahat ng mga Pilipino kabilang ang mga hindi pa naka-enroll sa state health insurer, mga walang trabaho, at mga “financially incapable” na makapagbayad ng sariling membership contribution.
Kaya’t hindi aniya makatarungan ang maling paggamit ng pondo ng PhilHealth lalo pa sa panahon ngayon ng pandemic na nakasalalay ang kalusugan ng publiko.
Nanawagan din si Legarda sa dalawang komite sa busisiing mabuti kung saan napunta ang pondong inilaan ng gobyerno sa PhilHealth upang mapanagot ang may sala at makapagdulot ng reporma sa ahensya. (Henry Padilla)