Advertisers

Advertisers

KAWALAN NG TIWALA

0 989

Advertisers

KAHIT anong paliwanag ni Rodrigo Duterte o sinuman sa kanyang alipures, malaking bahagi ng sambayanan ang hindi naniniwala sa kanila. Sa social media, kaliwa’t kanan ang damdaming tumututol. Wala silang sampalataya sa tila bangag na lider. Masisilip ang kawalan ng tiwala sa kanyang pamumuno at kakayahan na dalhin ang sambayanan sa landas na katanggap-tanggap.

Kahit lumabas sa PTV-4 si Duterte at nagpaliwanag noong Lunes ng gabi, maraming kababayan ang hindi naniniwala na nasa Davao City siya. Sa ganang kanila, nananatili na nandoon siya sa isang pagamutan sa Singapore. May mga pagdududa sa mga larawan at video clip na ikinalat ng kanyang kampo.

Mukhang nadoktor ang mga larawan na ikinalat nila sa social media. Ngunit hindi lahat. Kataka-taka na hindi natanggal ng photoshop ang numero ng silid ng pinagdalhan sa kanya. Wala siya sa kanilang bahay sa Davao City. Mukhang pagamutan ang paligid. Mukhang pre-recorded rin ang kanyang diskurso sa telebisyon. My duda na kinunan iyon noong Lunes ng umaga nang umugong sa social media ang kanyang biglang pagkawala.



Matindi ang panalangin ng maraming netizen na sana tuluyang mamamatay si Duterte upang mapalitan siya ng Pangalawang Pangulo. Iginiit ng maraming netizen na tanging si Leni Robredo ang may matwid na pumalit sa kanya sapagkat siya ang halal ng bayan. Malabo ang direksyon ng bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno.

***

NAGPARINIG si Duterte sa kanyang pagharap sa telebisyon na maaari niyang tawagin ang militar kung sakali mawala siya sa eksena. Kahit ano pa ang sabihin niya, hindi maaari ang mga sundalo ang magpatakbo ng gobyerno. Iisa lang ang sinabi ng Saligang Batas. Kapag nawala si Duterte, ang Pangalawang Pangulo ang papalit.

Sa maikli, si Leni Robredo ang kapalit ni Duterte. Kahit ano ang sabihin nila, si Robredo ang may poder na humalili kay Duterte na pinaniniwalaan na may karamdaman. Labag sa Saligang Batas na makialam ang militar. Malinaw ang Saligang Batas: Nangingibabaw ang awtoridad ng gobyernong sibilyan sa militar. Hindi ito puedeng baliin.

Hindi totoo ang ikinakalat sa social media na magkakagulo kapag nawala si Duterte at pumalit si Leni. Kasinungalingan ang ipinipilit na maaaring mauwi sa giyera sibil ang sitwasyon. Walang basehan ang ganitong paniwala. Tama ang sabi ng isang kaibigan na hindi lumalaban ang mga retiradong heneral na pawang yumaman.



Hanggang maaari, gusto nila malaya sa anumang asunto at sumaya sa piling ng kanilang nakulimbat. Hindi malayo na bibilhin lang nila ang susunod na gobyerno. Hindi sila manghihinayang na ibuhos ang kalahati ng kanilang nakulimbat basta huwag lang sila makulong. Wala rin silang sundalo o pulis na maaasahan na itaya ang kanilang buhay para sa kanila.

***

NAGPATULOY kahapon ang pagdinig ng Senate committee on health tungkol sa pandarambong sa pondo ng PhilHealth, subalit no-show ang chairman ng komite na si Bong Go. Hinanap siya sa Senado, ngunit hindi nakita. Hinanap rin siya ng local media sa Davao City, subalit hindi nakita kahit ang kanyang anino.

Missing in action si Bong Go. May nagmungkahi na hanapin siya sa Singapore. Importante ang papel ng chairman ng komite. Siya ang may kapangyarihan magtakda kung saan dadalhin ang imbestigasyon. Alam ni Bong Go na tatamaan ang kanilang mga alipures sa Davao City sa imbestigasyon.

***

May batayan ang hinala na tinamaan ng Covid-19 si Duterte. May mga larawan na ipinamudmod ang Palasyo kung saan makikita si Duterte na nakikipagpulong kay Ed Año, kalihim ng DILG, noong ika-10 ng Agosto sa Davao City. Lumabas ang mga larawan sa mga peryodiko at social media.

Tatlong araw ang nakalipas at nakaramdam si Ed Año ng mga sintomas ng trangkaso. Nagpa-swab test noong Huwebes. Noong Linggo, nakita niya ang resulta: positibo sa Covid-19. May mga sapantaha ang ilang netizen: Nakuha ba ni Año ang sakit kay Duterte, o nahawa si Duterte sa kanya. Mukhang nagkahawaan ang mga taga-Malakanyang.

Sa kanyang pagharap sa kamera noong Lunes, makikita na naghahabol sa paghinga si Duterte. Hind namin alam kung sintomas ito ng Covid-19. Isa ang malinaw: Hindi normal ang kanyang paghinga.

***

MAYROON post ang aming kaibigan na Dave Veridiano na nagpahayag ng kanyang kuro-kuro na hindi babaligtad ang AFP sa sinumpaang tungkulin na suportahan at ipagtanggol ang Saligang Batas. Narito:

“Mga pards, sa AFP at PNP, ang highly politicized lang naman diyan ay ang mga Generals at mga Colonels na gustong magtagal sa kanilang juicy posts. Pero pagdating na sa pagpapatupad ng Saligang Batas, nasisiguro ko (alam ko kasi halos tatlong dekada ko nakasama ang iba-ibang grupong ito sa loob ng mga kampo!) ang masusunod ay ‘yung mga nakararaming junior officers (from tenyente hanggang kapitan pero isasama na rin natin ang ilang mga major) na siyang magkakapit-bisig upang ipatupad ang nararapat.

“Ilang beses na ‘yang nangyari – walang nagawa ang mga special teams ng mga nakaupong Generals. Ang namayani palagi ay yung kinakampihan ng mga junior officers, na siyang mga leader ng military at police teams o units na nakakalat sa buong bansa. Sila ang may puwersa kaya sila ang biglang nasusunod. Ang mga General at colonels na kumampi sa mga ito ang mga parang tumama sa lotto kapag natapos na ang pag-aaklas. Sila agad ang mauupo sa magagandang puwesto samantalang yung mga pobreng junior officers ay balik field assignments ulit. Ang punto ko rito — huwag tayong mag-alala sa ating pulis at militar – mas nakararami sa mga ito (mga tahimik lang sila at nakikiramdam) pa rin ang makabayan at ipaglalaban ang ating Saligang Batas.”

***

May ulat ang Diamond Risk Assessment, isang lokal na think tank, tungkol sa muling pagbuhay ng ekonomiya. Mukhang hindi kayang buhayin sapagkat walang malinaw na plano ang gobyerno:

“The economic managers, through Finance Secretary Sonny Dominguez, have argued to strike a balance between protecting public health and restarting the national economy. They have realized the paradox that despite the rising incidence of Covid-19 infection, the national economy has to restart to prevent a national catastrophe. It is still unclear on how to jumpstart the national economy while new cases of viral infections keep on rising. There are plans, programs, and targets too.

It could be anticipated the national economy would continue to post sluggish growth – or indicate recession over the next two years. The 100-day lockdown had profound and lasting ill effects to the national economy. As a rule, a pandemic could last a year or two. There is no known roadmap on how the country would face the pandemic in the next two years or three.

The economic managers are in disagreement on how to jumpstart the economy. Ernesto Pernia had resigned his post as NEDA chief because he disagreed with Sonny Dominguez, who is regarded as the primus inter pares among the economic managers. Their disagreement has not been made in public, although Pernia favored the immediate reopening of the national economy in sharp contract to what his more conservative colleagues wanted.

At this point, we can draw scenarios over the next year: unsolved pandemic issues coupled with a stagnant economy, on the one end; or, on the other end, a recovering economy amid millions of vaccinated citizens, who have returned to the old normal. Judging the weak response of the Duterte team, the first scenario of an unsolved pandemic coupled with an economy in recession is most likely.”

***

MGA PILING SALITA: “Dumanas nawa kayo ng kasawian.” – dasal ng mga lider Simbahan sa mga puwersang nagtataguyod ng EJK

“Pinanood ko si Digong. Wala talaga! Drugs pa rin at patayan. Siya ang mukhang nakadrugs. Walang sustansya magsalita… Ako na lang magpresidente.” – Larry Lachica, netizen