Advertisers
TULOY parin ang illegal drugs activities sa Lungsod ng Maynila sa gitna ng umiiral na curfew at community quarantine.
Kasunod ito ng pagkakaaresto sa walong indibidwal, kabilang ang isang tanod, sa serye ng operasyon ng Manila Police District.
Unang naaresto sina Ricky Belarmino, 60; Bernardo Lauzon, 60; at Rodolfo Garcia, Jr., 28-anyos, pawang residente ng San Andres Bukid, Maynila.
Nasakote naman sa kanto ng Baltazar at Franco Sts., Brgy. 88 sa Tondo sina Raffy Ignacio, 22, alyas Nano, 22; at Jesus Benj Dela Rosa.
Alas-9:45 nang damputin ang 20-anyos na si John Berwin Labianasa Oro B St., Sta. Ana, Manila.
Nadakip naman 11:00 ng gabi ang barangay tanod na si Benjie Mariano at ang kasama niya na si Hydielyn Escobar, kapwa residente sa Punta, Sta. Ana. Nakumpiska sa kanila ang tinatayang P49,000 halaga ng shabu at mga drug paraphernalia. (Jocelyn Domenden)