Advertisers

Advertisers

Retired TESDA director natagpuang patay

0 296

Advertisers

WALANG buhay nang matagpuan nitong Linggo ng umaga ang isang retiradong direktor ng TESDA sa loob ng kanilang bahay sa Mandaluyong City.
Sa ulat, nagkalat ang dugo ni Noel Villaflor, 61, sa sahig ng kanilang bahay sa Domingo M. Guevarra St., Barangay Mauway.
Ayon sa anak na si Miguel Villaflor, 31, software engineer, 12:30 ng madaling araw ay nakita niya ang kanyang ama na natutulog sa sofa ng kanilang living room.
Bandang 8:05 na ng umaga nang bumalik siya sa kanilang bahay galing sa pagdyo-joging ay nakita niyang bukas ang ilaw ng kanilang laundry room. Nang kanyang silipin ay laking gulat niya nang makitang wala nang buhay ang ama at nagkalat ang dugo sa sahig.
Kaagad na tumawag si Miguel sa Bantay Bayan ng Barangay Mauway at humingi ng tulong.
Hindi malinaw sa report kung anong sanhi ng pagkamatay ni Villaflor. (Gaynor Bonilla)