Advertisers

Advertisers

PACC: 40 OPISYAL AT EMPLEYADO NG PHILHEALTH SWAK SA KATIWALIAN

Sa isang rehiyon lang

0 325

Advertisers

Kakasuhan ng PACC ang halos 40 opisyales at kawani ng PhilHealth na sangkot umano sa korapsiyon.
Sa isang panayam, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, 36 na personalities mula sa iisang rehiyon ang nahaharap ng kaso sa Task Force PhilHealth.
Ibinunyag pa ni Belgica na talamak ang anomalya sa mga regional offices na sinasabing nakipagsabwatan ang mga ito sa mga doktor, ospital at mga bangko para makapangikil.
Dagdag pa nito, nakatuon ang imbestigasyon sa Legal Department and Information Technology Office ng PhilHealth na umano’y ginawa para magmanipula ng mga naturang scheme. (Josephine Patricio)