Advertisers
NATUNTON ng mag-kasanib na puwersa ng gobyerno ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army sa safehouse nito sa Gingoog City.
Ayon kay Caraga Regional Police director, Brig. Gen. Joselito Esquivel, isinilbi ng mga pulis at tauhan ng Philippine Army ang 10 warrants of arrest kay Venancio Idpalina alias “Bemben” sa Barangay Agay-ayan.
Aniya, si Idpalina ang commanding officer ng Sandatahang Yunit Pampropaganda sa ilalim ng North Eastern Mindanao Regional Committee.
Si Idpalina ang pang-13 sa most wanted persons sa NPA priority target list sa rehiyon. Ilan sa mga kaso niya ang kidnapping and serious illegal detention at multiple attempted murder.(PTF team)